Para sa isang content creator, hindi patas ang buhay sa posisyon ng waiter na pinahiran ng cake ni Alex Gonzaga sa kaniyang birthday party na maaaring wala umanong ibang pagpipiliin noon kundi ngitian na lang ang sitwasyon.

Ito ang viral na pagtitimbang ni Nico David, isang digital creator sa kaniyang Facebook post ngayong Martes, Enero 17.

“Imagine your father works as a waiter,” pagsisimula niya.

Basahin: Alex G, trending matapos umano’y ‘mambastos’ sa isang server sa kaniyang b-day paandar – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Sunod na inilarawan nito ang maaaring sakripisyo ng isang ama para lang makapagtrabaho na maaaring ang kapalit lang ay kakarampot na sahod.

“He is doing his job para mapag-aral at mapakain ka. Tapos bigla siyang papahiran ng CAKE ng artistang ENTITLED dahil sikat at mayaman,” pagpapatuloy niya.

“Hindi siya pwede mag reklamo kasi pwede siya matangal sa trabaho. He has to just put a smile habang ‘yung mga guest noong artista pinagtatawanan siya.”

Saad ng content creator matapos nito: “Life is very unfair.”

Paalala niya sa huli, “Pero wag naman din sana tayong maging UNFAIR sa TATAY ng iba.”

“A little EMPATHY goes a long way,” pagtatapos ng online creator.

Agad na nakisimpatya ang maraming netizens para umabot agad sa kasalukuyang mahigit 70,000 reactions ang naturang post at maibahagi pa ng nasa 31,000 beses.

Nauna nang umani ng kaliwa’t kanang pagkondena mula sa netizens at kapwa online personalities ang umano’y pambabastos ng TV personality sa isang serbidor sa kaniyang star-studded birthday party noong Linggo.

Basahin: DJ Mo Twister, binanatan si Alex Gonzaga: ‘She was drunk and stupid and a narcissist’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauwi pa ito sa pagka-ungkat ng ilan pang insidente umano na nagpapakita sa tunay na kulay ng vlogger.

Basahin: Prod staff ng dating pelikulang pinagbidahan ni Alex Gonzaga, may ibinunyag tungkol sa kaniya – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa ngayon, nanatiling tikom pa rin ang aktres sa kinahaharap na isyu.