Umabot na sa ₱746.5 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agriultura dahil sa mga pag-ulang naranasan sa bansa dulot ng low pressure area, shear line, intertropical convergence zone and northeast monsoon.

Ayon sa tala ng Department of Agriculture- Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (DA-DRRM) nitong Lunes, tinatayang 36,307 magsasaka ang naperwisyo dahil sa pagkawala ng 14,158 metric tons (MT) na produksyon sa 41,721 ektarya ng pang-agrikulturang lupain sa walong rehiyon sa bansa.

Naitala ang mga pinsala sa MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga.

Pinakamalaking halaga ang nawala sa produksyon ng bigas na umabot sa ₱597.3 milyon matapos labis na masalanta ang pitong lugar sa bansa lalo na ang Eastern Samar.

National

Aurora, niyanig ng 5.1-magnitude na lindol

Nawalan naman ng ₱113.9 milyon ang produksyon ng mais matapos maapektuhan ng masamang panahon ang sampung lugar, partikular na ang Cagayan.

Nasa ₱P34.4 milyon ang nawala sa produksyon ng high-value crops tulad ng mga gulay at saging matapos masalanta ang sampung lugar lalo na ang Zamboanga City.

Samantala, nagkakahalaga ng ₱1.02 milyon ang nawala sa produksyon ng livestock at poultry sa Cagayan at lima pang lugar sa bansa.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang Department of Agriculture sa mga NGAs, LGUs at iba pang DRRM offices sa mga naapektuhang lugar.

Mary Joy Salcedo