Hindi rin nagustuhan ni DJ Mo Twister ang ginawa ng aktres, TV host, at vlogger na si Alex Gonzaga sa isang waiter matapos nitong pahiran ng icing sa mukha, sa isang sorpresa para sa kaniyang kaarawan.

Kinuyog ng netizens si Alex sa kaniyang ginawa lalo't kitang-kita umano sa reaksiyon ng mukha ng waiter na tila na-off at nagulat ito sa ginawa ng aktres, TV host, at vlogger.

Anang netizens, puwede itong gawin kung close mo naman ang isang tao.

May mga nagsabi pang, tutal naman daw ay katabi niya ang mister na si Mikee Morada, sana sa mukha na lamang nito ipinahid ang icing.

Alex Gonzaga, 'entitled' at 'walang pinag-aralan', birada ni Rendon Labador

Trending na naman ang pangalan niya sa Twitter dahil sa nangyari.

Screengrab mula sa Twitter

Ibinahagi naman ni DJ Mo ang viral video sa kaniyang tweet at kinomentuhan.

"Come on guys. She was drunk."

"…and stupid."

"Drunk and stupid."

"And a narcissist."

"Drunk and stupid and a narcissist."

https://twitter.com/djmotwister/status/1615015071473881093

Nagbigay rin ng kaniyang birada ang motivational speaker at vlogger na si Rendon Labador tungkol dito. Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Alex o maging ang waiter hinggil dito.