Mukhang hindi ikinatuwa ng model at aktres na si Deniece Cornejo ang pagbabalik ni Vhong Navarro sa sikat na noontime show na It's Showtime.

Sa Facebook account ni Deniece, ibinahagi niya ang teaser post ng Kapamilya noontime show kung saan tinanong ang madlang people kung ano ang dapat nilang abangan sa show.

“Madlang People! Anong inaabangan nyo ngayong Lunes? Wrong answers only!," mababasa sa Facebook post ng It's Showtime noong Lunes, January 16.

Ito naman ang makahulugang caption ni Deniece: "#ryhmeswithWRONG."

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Screengrab mula sa Facebook ni Deniece Cornejo

Tila parinig niya ito sa pangalan ni “Vhong” na katunog ng salitang “wrong.”

Si Vhong ay apat na buwang hindi napanood sa programang It's Showtime, matapos madetina sa National Bureau of Investigation (NBI) detention facility kaugnay ng mga kasong isinampa ni Deniece.

Inilipat naman siya sa Taguig City Jail noong Nobyembre 21, 2022.

Tinatamasa ni Vhong ngayon ang kalayaan matapos payagang makapagpiyansa ng korte sa kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo laban sa kaniya.

Matatandaang hindi lamang si Deniece ang nag-akusa kay Vhong ng sexual assault.

Ilang netizens naman ang nagalit kay Deniece at nagsabing tumigil na siya sa kakakuda.

Narito ang komento ng netizens:

"Papansin na naman to, siguro may gusto talaga to kay kuys,ayaw tantanan eh."

"Bitter pa rin. Move on Deniece. Evil work never wins."

"Makarma ka na sana Deniece sa ginawa mo sa taong walang kasalanan nakakainis sa bangs."

"Galit pero naka-follow, yieeh."

"Tama kana accla!"

"2023 na Miss Deniece, move on na po!"

"Lungkot siguro ng buhay nito, kasi nasobrahan na sa pagpapansin."

Samantala, nagpapasalamat naman si Vhong sa mainit na pagtanggap ng Showtime family sa kaniya at dagdag pa niya, lubusan niyang na-miss ang madlang people.

Aniya," Thank you my Showtime family! Thank you, God for making this happen. Na-miss ko kayo, Madlang Pips!"