Usap-usapan ngayon ang ibinahaging video ng tiyuhin ni Alex Gonzaga na si "Jojo Cruz" kung saan makikitang kinakantahan ito ng servers para sa kaniyang kaarawan.

Mapapanood ang video sa Instagram story ni Jojo.

Alex Gonzaga (Screengrab mula sa IG ni Jojo Cruz)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Makikita sa video na kinantahan ng servers si Alex habang nakapalibot sa kaniya. Hinipan naman ni Alex ang sindi sa nakatulos na kandila, sa maliit na chocolate cake.

May pabiro pang nagsabi na "Hayan, ang dami nila…" na maaaring idinaan na lamang sa biro ang kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ng actress-TV host-vlogger.

Maya-maya, pabirong umakto si Alex na ipapahid niya ang icing sa mukha nila, subalit hindi naman itinuloy.

Sa kaniyang Instagram post, nagbigay naman ng mensahe si Jojo para sa kaniyang pamangkin.

"Happiest Birthday Catherine! Continue to do everything you love, smile big and laugh loud sasabayan pa kita hahaha! I love you @cathygonzaga alam mo yan dito lang ako. GOD BLESS YOU MORE and soon matutupad na wish natin lahat."

"Love you uncle!!!" sey naman ni Alex.

Sa comment section naman ay dumagsa ang mga netizen na nagsabing dapat daw pagsabihan ni Jojo ang kaniyang pamangkin.

Matatandaang pinagsabihan din ng mga netizen ang ate ni Alex na si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga na sermunan at suwetuhin ang kaniyang nakababatang kapatid.