Muling nagbigay ng reaksiyon ang motivational speaker, fitness coach, at social media personality na si Rendon Labador hinggil sa viral video ni Alex Gonzaga, matapos nitong pahiran ng icing sa mukha ang isang waiter na may hawak ng chocolate cake na sorpresa para sa kaniyang kaarawan.

Kinuyog ng netizens si Alex sa kaniyang ginawa lalo't kitang-kita umano sa reaksiyon ng mukha ng waiter na tila na-off at nagulat ito sa ginawa ng aktres, TV host, at vlogger.

Anang netizens, puwede itong gawin kung close mo naman ang isang tao.

May mga nagsabi pang, tutal naman daw ay katabi niya ang mister na si Mikee Morada, sana sa mukha na lamang nito ipinahid ang icing.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Isa sa mga nagbigay ng matitinding birada rito ay si Rendon, na matagal na ring sumisita sa ilang isyung kinasasangkutan ni Alex.

Anang Rendon, "Walang pinag-aralan si Alex. Hanggang vlog lang talaga."

"Yan ang result lalo na kapag hindi mo pinaghirapan ang success mo."

"Respeto lang sana tayo, kahit waiter si kuya wala kang karapatang gawin yan. Entitled ka masyado! Alex Gonzaga Official," saad pa ni Rendon.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Alex tungkol dito.