Binasag ni Trina Candaza ang kaniyang katahimikan sa mga umano'y isyung ibinabato sa kaniya ng dating karelasyong si Kapamilya actor Carlo Aquino.

Sa naging panayam ni Ogie Diaz kay Trina na mapapanood sa kaniyang vlog, mariing itinanggi ni Trina na ipinagdadamot niya ang anak nilang si Mithi sa ama nito.

'Sana mahiram ko naman!' Carlo Aquino, bet nang makita, makasama ulit ang anak

"He knows kung nasaan kami. He knows na very welcome siya doon sa bahay kung saan kami nag-Christmas… It's just that hindi siya pumupunta," saad ni Trina.

Hindi rin aniya totoo na na si Carlo lamang daw ang gumagastos para sa anak nila. Nagbabanat daw siya ng buto upang mabuhay naman niya ang sarili niya, at siyempre, para kay Mithi.

"That's not true kasi I also pay half of our expenses. So para sa akin dalawa kaming nagpo-provide. Puwede naman niya sabihin na nagsusustento siya kay Mithi kasi totoo 'yon; pero para sabihin niya na binubuhay niya ako, nakaka-offend sa part ko," giit ni Trina.

"Nagtatrabaho rin ako, naghahanap ako ng ways of income para ma-provide ko ang kulang doon sa binibigay niyang sustento," dagdag pa.

Samantala, wala pang tugom reaksiyon, o pahayag si Carlo tungkol dito. Matatandaang naiintriga ngayon ang pagiging malapit nila ng Kapamilya actress na si Charlie Dizon.