Asahan na ang dagdag at bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Enero 17.

Dakong 6:00 ng umaga, ipatutupad ng Shell, Caltex, Seaoil, Clean Fuel, Jetti, Petro Gazz at PTT Philippines ang ₱0.95 na dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Papatungan naman ng ₱0.50 ang presyo ng bawat litro ng diesel habang tatapyasan naman ng ₱0.15 ang presyo ng kada litro ng kerosene.

Nitong nakaraang linggo, nagpatupad din ng rollback sa presyo ng kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis.

National

LPA sa labas ng PAR, malaki na ang tsansang maging bagyo!

Umabot sa ₱2.80 ang ibinawas sa bawat litro ng diesel, ₱2.10 naman sa kerosene at ₱0.75 naman sa gasolina.

Ang price adjustment ay alinsunod na rin sa pinakahuling kalakalan nito sa bansa.