Asahan na ang dagdag at bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Enero 17.
Dakong 6:00 ng umaga, ipatutupad ng Shell, Caltex, Seaoil, Clean Fuel, Jetti, Petro Gazz at PTT Philippines ang ₱0.95 na dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Papatungan naman ng ₱0.50 ang presyo ng bawat litro ng diesel habang tatapyasan naman ng ₱0.15 ang presyo ng kada litro ng kerosene.
Nitong nakaraang linggo, nagpatupad din ng rollback sa presyo ng kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis.
Umabot sa ₱2.80 ang ibinawas sa bawat litro ng diesel, ₱2.10 naman sa kerosene at ₱0.75 naman sa gasolina.
Ang price adjustment ay alinsunod na rin sa pinakahuling kalakalan nito sa bansa.