Viral ngayon ang isang Facebook post ng isang concerned netizen matapos niyang tawagin ang pamunuan ng mall sa Sta. Rosa, Laguna, dahil sa mga naispatan niyang mga nakatambay sa rider's lounge nito.

Kitang-kita sa litrato ng netizen na si "Arjay" na hindi naman delivery riders ang nakaupo at nakatambay sa loob; at ang mismong delivery rider na sana ay nakaupo at naghihintay rito, ay nakatayo na sa labas.

Larawan mula sa FB ni Arjay Pakingan

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Nakakaloka! Yung isa mukhang kaya naman tumambay sa Starbucks bakit hindi na lang doon mag-laptop?"

"Yung iba nakasalampak pa sa sahig kakaloka hahaha."

"Hindi po ba kayo makaintindi ng rider's lounge?"

"Ginawang extension ng coffee shop hahaha."

Nakarating ito sa kaalaman ng mall kaya naman pinaalis ang mga nakatambay rito at nilinaw umano na para ito sa mga deliver riders.

"Wag na po kayo mag-alala malinis na po! Puwede na po tumambay mga kapatid natin na riders. Salamat sa mabilis na aksyon SM City Santa Rosa management," saad ng isang netizen.