Nagbigay ng mensahe si Binibining Pilipinas 2022 1st-runner up Herlene "Hipon Girl" Budol sa natalong kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe 2022 na si Celeste Cortesi.

Ani Herlene, "Celeste maganda ka pa din. We love you."

"Ako nga na budol eh."

Ang tinutukoy na "nabudol" ni Herlene ay ang naranasan nila sa bansang Uganda kung saan siya sana ang kakatawan sa Miss Planet International 2022, subalit dahil sa ilang mga isyu sa pamunuan, ay nag-withdraw na lamang sila sa timpalak.

Herlene Budol, may mensahe kay Celeste Cortesi: 'Ako nga nabudol eh!'

Samantala, marami naman sa mga netizen ang humihimok kay Herlene na subukin na ring sumali sa MUPH sa mga susunod na taon.

Diretsahan naman ang kaniyang naging tugon.

"Wag nating ipilit di tayo pang-MU pang-bardagulan lang tayo doon tayo sa kung saan lang tayo bagay. Ano sa tingin n'yo?," sey niya.

Screengrab mula sa FB ni Herlene Budol

Sa isa pang Facebook post ay ibinahagi ni Budol na ang ilang mga pagkakapareho nila ni Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel na isang half-Pinay.

Sey ni Budol, iisa lamang ang mga designer ng national costume at long gown nila. Kaya naman, malaki ang pasasalamat niya sa kaniyang talent manager na si Wilbert Tolentino.

"Kaya thankful ako dahil asa tamang manager at handler napuntahan ko," ani Herlene.

Tumugon naman dito si Wilbert, "Your Welcome Mima Herlene Hipon Budol. Siyempre ilalagay din kita sa right path para sa karera mo. Yung transpormasyon mo pa lang in just 3 months ay sobrang inspirasyon sa pangkalahatan. Sa pasarela at pagsagot ng Q&A ay bonggabels ka na don. Kaya salamat din sa Team KaFreshness & Kagandahang Flores. #KForever #KFamilia."