Pabirong pinayuhan at 'pinagalitan' ng komedyante at isa sa co-host ni Ogie Diaz sa vlog nito, na si "Dyosa Pockoh", ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe na si Celeste Cortesi, matapos itong hindi makapasok sa Top 16.

Bago ang kompetisyon ay makikitang ginaya ni Dyosa Pockoh si Celeste sa kaniyang swimsuit competition bilang pagpapakita ng suporta sa kandidata.

Nang malotlot nga si Celeste, nagbiro si Dyosa gamit ang trending na Facebook post ni social media personality at aktres na si Donnalyn Bartolome.

"Bakit may sad dahil hindi nakapasok ang Philippines? Di ba dapat masaya kasi may chance na bumawi next year? Dapat grateful kasi may next time pa. If Philippines not making it to TOP16 makes you unhappy, I hope you find a different pageant show that will. Yung pakikiligin ka and sheet. Anyway, this is a reminder that PHILIPPINES not making it to TOP16 is a blessing bessss change mindset, it's 2023!!," ani Dyosa.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

At may dagdag na hirit pa siya para kay Celeste, "Ang problema kay Celeste walang pagkukusa, gusto pa tawagin bago pumunta sa unahan. Next time kahit di tawagin sa Top 16, pumunta pa rin sa harap. Magkusa na lang hindi yung inuutusan pa."

Pero on a serious note, nagpaabot pa rin ng pagbati si Dyosa para kay Celeste.

"Thank you so much, Celeste Cortesi for representing our beloved country, the Philippines!"