Isang madamdaming pahayag ang ibinahagi at paalala ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi sa sarili kasunod ng kinahantungan ng kaniyang pageant journey nitong Linggo.

Bigong nakapasok sa semifinals si Celeste, kauna-unahan sa loob ng labindalawang sunod-sunod na taon sa Miss Universe competition.

Maraming fans at celebrities na ang nagpahayag ng pakikisimpatya kay Celeste na anila’y ginawa pa rin ang lahat para buong-husay na katawanin ang bansa sa international arena.

Nitong Lunes, isang makabagbag-damdaming paalala ang saad ng beauty queen para sa sarili.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Celeste Cortesi/Instagram story

“You’re going to realize it one day—that happiness was never about your job or your degree or being in a relationship. Happiness was never about following in the footsteps of all those who came before you; it was never about being like the other,” mababasa sa Instagram story ni Celeste, isang araw matapos ang ikanadurong na Miss Universe finale.

Dagdag niya, “One day, you’re going to see it – that happiness was always about the discovery, the hope, the listening to your heart, and following wherever it chose to go.”

“Happiness was always about being kinder to yourself; it was always about embracing the person you were becoming,” pagpapatuloy niya.

“One day, you will understand that happiness was always about learning how to live with yourself that your happiness was never in the hands of other. It was always about you. It was always about you.”

Matatandaan ang trending na panlulumo ng maraming Pinoy pageant fans matapos maligwak sa Top 16 si Celeste.

Sa kabila nito, marami pa ring pageant fans ang naniniwalang karapat-dapat sana sa semifinals si Celeste.

Basahin: ‘Know when to peak’ strategy ng MUPH organization, sinita ng Pinoy pageant fans – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa parehong paraan, isang paalala rin anila ang naging resulta ng kompetisyon para sa Pilipinas na baguhin ang estratehiya sa prestihiyusong kompetisyon.

Si R’Bonney Gabriel ng USA, isang Filipina-American, ang kinorohanang Miss Universe 2022.