Sugatan ang anim na residente matapos tumama ang magnitude 5.1 na lindol sa bahagi ng Leyte nitong Linggo ng gabi.
Kabilang sa nasugatan sinaLeah Delima, 36; Jean Rosa Abilar, 12; Flora Mae Lugo, 22; Ma. Elena Quir, 64; Luciano Quir, 64; at Althea Sofia Abarca, 7, pawang taga-Leyte, Leyte.
Hindi ipinaliwanag ng mga awtoridad kung paano nasugatan ang anim na residente.
Sa pahayag naman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang sentro ng pagyanig tatlong kilometro timog silangan ng Leyte dakong 8:28 ng gabi.
Dahil dito, kaagad na idineklara ni Mayor Arnold Ysidoro ang suspensyon ng trabaho at klase sa lahat ng antas ng paaralan upang matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawa at estudyante.
Sinabi ng Phivolcs, naramdaman din ang Intensity III saAlangalang, Carigara, Babatngon, Barugo, Tacloban City, at Ormoc City sa Leyte.
Paliwanag ng Phivolcs, tectonic ang dahilan ng paglindol o resulta ng paggalaw ng fault line malapit sa lugar.
Binalaan din ng ahensya ang publiko sa inaasahang aftershocks nito.
Philippine News Agency