Ang Filipina-American na si R’Bonney Gabriel ang kauna-unahang titleholder sa bagong era ng Miss Universe sa ilalim ng JKN Global Group ni Thai multi-billionaire transwoman Anne Jakrajutatip.

Kasunod nga ang kompetisyon nitong Linggo, ang pambato ng USA ang kauna-unahang babae na nagsuot ng ika-12 korona sa 71-taong kasaysayan ng Miss Universe.

Ito ang tinawag na “Force for Good” crown na nagkakahalaga ng nasa mahigit P330-M lang naman!

Basahin: Bagong korona ng susunod na Miss Universe, nakalululang P330-M ang halaga! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Human-Interest

Pagsasabit ng pagkain para sa mga walang makain sa ibang bansa, uubra ba sa Pinas?

Elegant, powerful at commanding si R’Bonney suot ang nakalululang Mouawad crown sa kaniyang official Miss Universe photo kasunod ng kompetisyon.

Bagaman binatikos ng ilang Venezuelan fans, maraming pageants fans pa rin ang nagbunyi sa pagkapanalo ng bagong titleholder.

Basahin: Luto raw? Venezuelan fans, naniniwalang ‘ninakaw’ ang Miss Universe title sa kanilang kandidata – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Gorgeous!!!!! An inspiring queen ready to rule the universe 😍🔥” ani Siera Bearchell, isang Miss Universe 2017 finalist at pageant analyst.

“Congratulations@rbonneynola! Our new Miss Universe! I wish you a wonderful reign! I hope to see you soon in Colombia 💛💙❤️✨” komento ni Maria Fernanda Aristizabal, kaniyang queen sister na delegada ng Colombia.

“Congratulations from former Miss Universe Denmark!”

“STUNNING!!!!! What a queen!👑” ani Miss USA 2011 Alyssa Campanella.

Matapos ang apat na oras, umabot na agad sa mahigit 157,000 ang likes ng Instagram post para sa official portrait ni R’Bonney.

Samantala, ang tinatayang nasa USD6 million o nasa mahigit P330 million na pinakabagong korona na sumisimbolo sa pamosong “beautifully confident” na mantra ng organisasyon.

“FORCE FOR GOOD Crown is an exceptionally beautiful crown that stands for a graceful reincarnation of The Miss Universe Organization’s long-standing values and heritage as a guiding light, shining bright to the future glory,” anang billionaire owner ng Miss Universe na si Anne Jakrajutatip noong Disyembre 2022.