Tila nakabawi na raw si Miss Universe 2012 Olivia Culpo sa "energetic hosting" mula nang maokray siya noon sa Miss Universe 2021 dahil parang wala raw siyang kagana-gana, lalo na sa pagbigkas ng pangalan ng mga nakakapasok sa Top.

Pinansin siya ng sikat na social media personality na si "Senyora".

"Ate Olivia natin mukhang nag-energy drink na! #MissUniverse2023," saad sa caption.

Olivia Culpo, pinatulan basher; handa na lumaklak ng energy drink sa Miss Universe hosting

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Inaway n'yo kasi noong nakaraan hahaha bumabawi."

"Same thought.. Great hosting skill achieved…"

"Nag-Red Bull hahaha."

"Naka-Milo na yata hahaha."

"In fairness kay Mareng Olivia mukhang nakainom ng Energen buhay na buhay."

"Same observation Nyora! Sininghot na niya yung freshly brewed coffee hahahaha."

Matatandaang bago ang hosting stint ay pabirong sinagot ni Olivia ang isang basher na nakahanda na siyang uminom ng Red Bull, isang uri ng energy drink, habang nakasakay sa bangka, sa saliw ng awiting "My Heart Will Go On" ni Celine Dion.