Maituturing ng Phenomenal Star at Eat Bulaga host na si Maine Mendoza na "worst experience/interaction with kababayan abroad" ang kamakailang pagtungo niya sa isang mall sa Singapore kung saan nakita at nagpa-picture sa kaniya ang ilang kababayan, pati na ang sales associate ng isang store sa loob ng mall na kaniyang pinuntahan.

Nakarating kasi sa kaalaman ni Maine na ang claim daw ng mga nakakita at nagpa-picture sa kaniya, eh suplada siya. Bagay na pinalagan naman ni "Yaya Dub".

"If I came off as 'supladita' (as ate sales associate in (pangalan ng store) Ngee Ann Mall have said to every Filipino inside the store, even to my friend) e dasurv nga naman, sana tinarayan ko na nga talaga. Bastos si SA and that group of girls. Bastos at makakapal ang mukha," dire-diretsong tweet ni Maine.

Dagdag na tweet pa ni Maine, "Oh if you only know how disrespectful and entitled those ladies were, especially the sales associate, ay maloloka ka na lang talaga. By far the worst experience/interaction with kababayans abroad. Bastos."

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Screengrab mula sa Twitter

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang tinutukoy na sales associate na umano'y nagsabing suplada si Maine.