Hindi pinalad na makapasok ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2022 na si Celeste Cortesi sa Top 16, sa naganap na coronation night ngayong Linggo, Enero 15 ng umaga (PST).

Ang mga kandidatang pasok sa Top 16 at posibleng maging Miss Universe 2022 ay sina Samantala, hindi naman pinalad sina Miss Puerto Rico, Miss Haiti, Miss Australia, Miss Dominican Republic, Miss Laos, Miss South Africa, Miss Portugal, Miss Canada, Miss Peru, Miss Trinidad & Tobago, Miss Curacao, Miss India, Miss Venezuela, Miss Spain, Miss USA, at Miss Colombia.

Dahil talagang likas na mahilig sa beauty pageant ang karamihan sa mga Pinoy, trending topic siyempre ang Miss Universe at lahat ng mga may kinalaman dito.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Screengrab mula sa Twitter

Isa sa mga pinag-uusapan ngayon sa social media, lalo na sa Twitter, ang posibleng mga dahilan kung bakit "nasira" ni Celeste ang winning streak ng mga kandidata ng Pinas, kahit makapasok man lamang sa Top 16 o Top 10.

May mga nagsabing masyado raw kasing na-hype si Celeste sa online at socmed.

May mga nagsasabi namang nagdulot daw ng "kamalasan" sa kaniya ang pagsusuot ng Darna-costume para sa "National Costume" category sa naganap na preliminary round. Matatandaang aprubado ng pamilya ni Mars Ravelo ang paggamit niya sa iconic superhero costume, na nakakapit ngayon kay Jane De Leon ng ABS-CBN.

At may mga nagsasabing nagdulot daw ng "jinx" ang kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Isang Twitter user ang nagsabi, "THE TOP 16 STREAK IS NOW BROKEN UNDER BONGBONG MARCOS PRESIDENCY. TANG*NA MO TALAGA WALA KA NANG GINAWANG MATINO SA BANSANG TO @bongbongmarcos".

Screengrab mula sa Twitter

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"As much as I hate our current administration, let us be real here. The reason why our MU representative didn't make it to the 16th cut is not because of our President but it's because she failed to make it for whatever reason."

"Hala magkape ka, te. Anyayare sa iyo?"

"Bakit mo sisisihin pangulo, malay ba niya?"

"Gusto kong maniwala hahahaha… so may record na ang admin niya, na sa kaniyang admin, nasira ang winning streak ng Pinas…."

Pero siyempre, anuman ang haka-haka ng mga netizen, tanging mga hurado lang ng Miss U ang makapagsasabi niyan, 'di ba?