Mahahablot pa kaya muli ng Barangay Ginebra San Miguel ang kampeonato sa PBA Commissioner's Cup?

Sasagutin ito ng Gin Kings sa pagsabak nila sa winner-take-all Game 7 laban sa guest team Bay Area Dragons sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan mamayang 5:45 ng hapon.

Huling nahablot ng Ginebra ang Commissioner's Cup title noong Agosto 8, 2018 matapos ilampaso ang San Miguel Beermen, 93-77 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sakaling magtagumpay ang Gin Kings laban sa Dragons, ito na ang ika-15 korona nito sa PBA.

VP Sara ipapa-subpoena ng NBI at DOJ; posible raw makasuhan

Ito na rin ang ikalimang pagkakataon ng Ginebra na sasabak sa winner-take-all situation sa isang finals series.

Nauna nang inihayag ni Gin Kings head coach Tim Cone na mag-a-adjust muli sila sa kanilang depensa laban sa Bay Area, lalo pang bumalik na sa aksyon ang reserve import nito na si Myles Powell.

Inaasahang babantayan nang husto ng mga manlalaro ni Cone si Powell sa 'do-or-die' game nila ngayong Enero 15 ng hapon upang hindi na ito makaporma.

Si Powell ang bumitbit sa Bay Area sa Game 6 sa nahakot na 29 puntos sa kabila ng iniindang injury.