Hindi ipinahiya ng Ginebra San Miguel ang 54,589 fans na dumagsa sa Game 7 ng PBA Commissioner's Cup matapos talunin ang Bay Area Dragons, 114-99, sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan nitong Linggo ng gabi.

Pinamunuan muli ni Justin Brownlee ang ratsada ng Gin Kings nang kumubra ng 34 puntos.

Umagapay din kay Brownlee sina Jamie Malonzo na naka-22 puntos, Scottie Thompson (18 puntos), Japeth Aguilar (14 puntos) at Finals Most Valuable Player Christian Standhardinger sa naipong 12 puntos.

Kahit may iniindang injury, nag-ambag pa rin ng 10 puntos si LA Tenorio.

VP Sara ipapa-subpoena ng NBI at DOJ; posible raw makasuhan

Nalimitahan naman sa 29 puntos si Bay Area Dragons import Myles Powell at Hyden Blankley na naka-25 points.

Ito na ang ika-15 kampeonato ng Ginebra sa PBA.