Kinalamay ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang loob ng mga tagahanga at tagasuporta ng iba't ibang bansang maingay na aabot sa finals ng Miss Universe 2022 coronation night, subalit ang ending ay ni hindi nakapasok sa Top 16, gaya ng Thailand, Indonesia, Mexico, at siyempre, Pilipinas.

Isa si Queen Cat sa commentators kasama si “American Ninja Warrior” presenter Zuri Hall. Agad na nagbigay ng kaniyang encouraging words si Catriona para sa fans ng mga nabanggit na bansa.

"Guys, you are not alone. Philippines, Thailand, Mexico, Indonesia---I know you might be feeling a little bit of disappointment right now, but we always have next year," saad niya.

Bago ang aktuwal na patimpalak ay nagkakainitan sa social media ang mga tagahanga ni Miss Philippines at Miss Thailand.

'At least, may dugong Pinay pa rin!' Pinoy netizens, masaya na rin sa pagkapanalo ni Miss USA

Itinanghal na Miss Universe 2022 ang pambato ng USA na si R'Bonney Gabriel, na isang half-Pinay, kaya naman masaya na rin ang mga Pilipino.