Bumiyahe na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Linggo, Enero 15, upang dumalo sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland mula Enero 16-20.

Sa kanyang pre-departure speech sa Villamor Air Base sa Pasay City, binanggit ni Marcos na mahalaga ang partisipasyon ng bansa sa WEF dahil isa itong pagkakataon upang ibahagi ang mga mahahalagang nakamit ng bansa sa pagsasaayos muli ng ekonomiya at paghihikayat sa mga malalaking negosyante at investors mula sa iba't ibang bahagi ng buong mundo.

Ito ang kauna-unahang in-person meeting ng WEF matapos ang halos tatlong taon matapos ang pagputok ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) noong 2020.

Isa rin ito sa pinakamalaking public-private forum sa buong mundo na inaasahang dadaluhan ng 52 na heads of state.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Kasama rin sa biyahe ni Marcos ang asawang si Liza Marcos, at anak na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos III.