May mensahe ang Kapamilya actress na si Janine Gutierrez para sa lahat ng mga Pilipinong tila naapektuhan, nadismaya, o naimbyerna sa hindi pagkakapasok man lamang ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe na si Celeste Cortesi, sa Top 16 ng naturang prestihiyosong beauty pageant.

Pabirong hirit ni Janine sa kaniyang latest tweet, "As anak ni Lotlot, sending all my love to everyone affected by today’s events."

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

https://twitter.com/janinegutierrez/status/1614493943202459650

Ang "Lotlot" na binanggit ni Janine ay ang batikang aktres na si Lotlot De Leon na kaniyang nanay. Ang salitang "lotlot" kasi ay balbal na termino para sa salitang "talo".

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Waaahahahah… kaya idol kita eh, hndi ka lang super beautiful, apakasmart at witty mo pa."

"Bilisan mo na kasi diyan naghihintay na ang korona sa'yo mare."

"Kaw naman sumali, maganda at matalino ka naman beh. Game!"

"Hahahaha! Kaya super love na talaga kita Janine! So witty!"