May pahayag ang online personality na si Xian Gaza hinggil sa pambabash sa 17-anyos na Pinay kaugnay sa "luxury bag" content nito.

"Well, hindi naman talaga luxury bag yung Charles & Keith. Magpakatotoo na tayo," sey ni Gaza sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, Enero 14.

"Pero para i-bash niyo yung bata for being happy and proud sa new bag niya eh napakalungkot niyo naman sa buhay. 17 years old yan. Parang hindi kayo dumaan sa ganyan," dagdag pa nito.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Matatandaang binatikos ang TikTok video ng Filipino teenager na si Zoe Gabriel matapos niyang ibalandra ang kaniyang unang “luxury bag” na binili mula sa isang sikat na brand na Charles & Keith, ayon sa ilang netizens hindi raw ‘yon kinokonsidera bilang luxury item.

Sa nasabing TikTok video, ipinagmalaki ni Zoe ang kaniyang unang luxury bag na bigay ng kaniyang ama. Excited niya itong binuksan at inirampa.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/01/13/17-anyos-na-pinay-sa-singapore-nag-viral-sa-kaniyang-luxury-bag-content/

Matapos mag-viral ang “luxury bag” video sa TikTok, na-impress ang pamunuan ng sikat na brand na Charles & Keith kung paano na-handle ni Zoe Gabriel ang bashers. 

Kaya naman inimbitahan ng Charles & Keith si Zoe sa kanilang headquarters office kasama ang kaniyang ama, na nagbigay ng kaniyang unang “luxury bag.”

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/01/13/sikat-na-brand-na-impress-kay-zoe-gabriel-inimbitahan-sa-hq-office-kasama-ang-ama/