Inaabangan ngayon ng libo-libong marites ang viral post ni Vien Iligan Velasquez, asawa ng sikat na vlogger na si Junnie Boy ng Team Payaman, dahil sa babala nito sa taong naninira sa kaniya.

Ang naturang basher ay kinilalang si Leticia Holoyohoy o mas kilala bilang si ''Ate Letlet.''

Mababasa sa Facebook post ni Vien: "Letlet, tapusin ko lang mga ginagawa ko babalikan kita. Ayaw mo talaga ako tigilan talagang sagad na yang pagpapansin mo. Ayaw na kitang patulan dahil alam kong mas mapapahiya ka. Hanggang sa sunod na trabaho mo ngayon nag lalive ka at sinisiraan mo pa din ako. Hello TIMHOWAN ALABANG yung empleyado niyo nag lalive ng naka uniform at naninira ng tao."

Paliwanag naman ni Vien na ang babaeng ito ang nabibigay sa kaniya ng sakit ng ulo at sinisiraan umano siya nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Aniya, "ayaw sana kitang patulan. Bago ako manganak nakakastress ka na, hanggang manganak ako stress ka pa din sa buhay ko. Bakit di ka nalang mag trabaho ng maayos at isipin yang dalawang anak mo."

Ayon kasi kay "Ate Letlet" sa kaniyang Tiktok live na masama raw ang ugali ni Vien at may attitude raw ito.

Aniya, "hitsura palang niya napaka maldita na eh. Mukha bang mabait yan?

"Masungit siya guys, maganda lang siya sa harapan ng mga tao, lalo na kapag may fans. Pero pagtalikod ng fans na nagpapicture sa kaniya, lumalabas yung totoong kulay," dagdag pa niya.

Sa ngayon, wala pang kompletong detalye sa naturang isyu nila Vien at Letlet.