Umani ng iba't ibang reaksiyon ang lambingan ng magjowang "Boy Tapang" at kaniyang Filipina-American girlfriend na si "Girl Tapang" o LJ Satterfield matapos nilang i-flex ang kanilang lambingan at "tukaan".

Sa kaniyang vlog, ipinakilala ni Boy Tapang ang kaniyang Fil-Am jowa na talaga namang ikinabigla ng kaniyang followers.

Sinabi ni Boy Tapang na deserve ng kaniyang kasintahan na i-flex sa madlang pipol.

"Siya 'yung babae na hindi maarte. Ibang-iba yung personalidad niya-- malambing, sweet. Yung pag-treat niya sa akin napakaiba. Na-fall talaga ako sa kanya. Iba 'yung feelings ko," aniya.

'Siya dream girl ko!' Vlogger na si Boy Tapang, may pa-jowa reveal

"Sabi ko nga, ito na 'yung babaeng hinahanap ko sa totoong buhay ko," dagdag pa ni Boy Tapang na ang tunay na ngalan ay "Ronnie Suan".

May pabiro namang hirit si Boy Tapang:

"Anakan ko na kaya mga KATAPANG para di ako iiwan!?"

Sa kaniyang Facebook account naman ay flinex din ni LJ ang lambingan nila ng nobyo, lalo na sa kaarawan nito.

"Happy b-day Ronnie Suan," aniya kalakip ang video ng kanilang halikan.

Narito ang reaksiyon at komento ng mga netizen.

"Suwabe humigop!"

"Grabe tinalo sina Joshua at Jane ha!"

"Sana all!"

"Idol ko talaga Boy Tapang nasa iyo na ang lahat."

Nakilala ang vlogger na si Boy Tapang sa pagkain o "mukbang" ng iba't ibang exotic food.

Ayon pa kay LJ, sinasabi raw ng ibang tao na masuwerte si Ronnie sa kaniya. Pero para sa kaniya, mas masuwerte siya kay Ronnie.

Napa-sana all naman ang mga netizen at sana raw ay alagaan ni Ronnie si LJ at huwag hayaang mawala ang suot-suot nitong helmet upang hindi "mauntog" sa katotohanan.