''Share your blessings!''

Viral ngayon ang post ng TikTok influencer at CEO ng isang beauty line na si Rosemarie Tan Pamulaklakin o mas kilala bilang si "Rosmar" matapos niyang ihayag sa kaniyang Facebook account na may palibre itong paretoke ng ilong sa kaniyang mga top fan.

"Sinong gustong magka-ilong pipili ako ng papailungan na top fan ko, #ROSMARLANGMALAKAS," mababasa sa kaniyang Facebook noong Friday, January 13.

Ngunit hindi lang ito ang pinamimigay ni Rosmar sa kaniyang fans, minsan din ay nagpapa-raffle ito ng pangkabuhayan package, cash, cellphone, at iba pa.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Matatandaang na inokray ng netizens si Rosmar dahil sa kaniyang pagpaparetoke.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/01/04/rosmar-tan-proud-retokada-kapag-nagparetoke-ako-ia-announce-ko/

Usap-usapan rin noon ang “bakbakan” nila ni Glenda Victorio, may-ari at CEO ng Brilliant Skin Essentials at Rosmar Tan, matapos ang ilang ulit nilang parinigan sa social media, hanggang sa umabot na ito sa demandahan.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/10/12/rosmar-tan-pinapahinto-ng-mister-sa-pang-aasar-glenda-victorio-tumulak-pa-amerika-para-mag-chill/

Pagkatapos ng mainit na isyu ng dalawa, si Rosmar naman ang pinutakte ng mga bashers.

“Totoo naman eh, kamukha niya si Zander.”

“Isang box na nagamit ko na sabon ni Rosmar wala pa rin effect.”

“Si Rosmar ang dapat i-banned sa Tiktok.”

“Pray for Rosmar.”

“Educated but not well-mannered.”

“So, unprofessional. Madam bago naman po ng ugali.”

Hindi naman naging hadlang kay Rosmar ang binabato ng mga bashers sa kaniya upang magbigay ng saya at tulong sa kaniyang mga fans.