Nakaamba na naman ang panibagong pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng mga kumpanya ng langis, itataas ng₱0.40 hanggang₱0.80 ang presyo ng kada litro ng gasolina habang papatungan naman ng₱0.45 hanggang₱0.75 ang presyo ng bawat litro ng diesel.

Posible ring bawasan o hindi gagalaw ang presyo ng kerosene sa Enero 17.

Ito na ang ikatlong price adjustment sa produktong petrolyo ngayong 2023.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Sinabi pa ng mga oil company na resulta lamang ito ng paggalaw ng presyo ng petroleum products sa pandaigdigang merkado nitong Enero 13.