"Once a teacher, always a teacher!"

Iyan ang pahayag ng isang gurong nagtuturo ng asignaturang Science matapos pag-usapan at hangaan ng mga netizen ang kaniyang dedikasyon sa pagtuturo, kahit paos at halos wala na siyang boses para sa talakayan.

Makikita sa TikTok video ng uploader na si "Kuya Chukoy" ang gurong gumagamit na ng mikropono sa kaniyang pagtuturo. Aniya, liliban sana siya subalit mas pinili niyang pumasok na lamang upang magpatuloy sa kaniyang tungkulin.

"BIG SALUTE SAYO MAAM🥰 KAHIT WALA KA NANG BOSES. TALAGANG HINDI KA PAPAYAG NA HINDI MO KAMI MATURUAN… NAKAKA PROUD MAGING ESTUDYANTE MO. SA EDAD MONG YAN IKAW PA NANGUNGUNA SA PINAKA FAV KONG TC," ayon sa uploader.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

"Once a teacher, always a teacher…" paliwanag ng guro sa kaniyang mga mag-aaral.

Ibinahagi naman ito sa Facebook page ng isang teacher-vlogger na si "Teacher Julius".

Napag-alamang ang naturang guro ay si Ma'am Gwyneth Matibag mula sa Muntinlupa National High School.

Sa comment section ay nagkomento naman si Ma'am Gwyneth.

"Ako po ang nasa video mga mam and sir… yun pong sinabi ko ay galing lahat sa puso ko… mahal na mahal ko po lahat ng naging students ko sa MUNTINLUPA NATIONAL HIGH SCHOOL…"

"I want po kasi to touch the hearts and lives of my students… thank you very much po at kung sinong student ko po ang nag-upload nito… I love you anak!"

Sa comment section ay bumaha naman ang mga testimonya ng kaniyang mga naging mag-aaral at kapwa guro.

"She's our adviser before (10-Aristotle batch 2015-2016). Definitely one of the reasons why I'm a Physics major."

"Likas na masipag magturo at napakahusay na Physics teacher niyan ni Mam Matibag… proud co-teacher here!"

"Salute you po Ma'am Gwyneth Matibag teacher ka po namin sa Physics nong 4th year HS kami batch 2009-2010. I miss you po mam."

"Salute to you ma'am… sana po marami ang katulad mong dedicated sa work…"

Saludo kami sa iyo, Ma'am Gwyneth!