Pasabog ang latest post ni Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados sa kaniyang Instagram account kung saan nag-ala Sto. Niño ito kasabay ng pagpapakita ng suporta para kay Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi na siyang lalaban sa Miss Universe bukas ng Linggo Enero 15.

"Praying for a great weather and the 5th Miss Universe Crown!" saad ni Gazini sa kaniyang caption.

"Let's Go Queen @celeste_cortesi."

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Kaliwa’t kanan na ang mga aktibidades sa Cebu, kung saan taunang ipinagdiriwang ang Sinulog Festival. Matatandaang tubong Cebu si Ganados na siyang kumatawan sa probinsya nang lumaban ito sa Binibining Pilipinas taong 2019.

Samantala, nagkomento naman ang kapwa Bisaya na si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez sa nasabing post ni Gazini.

“Ari jud laban! Pit Señor gwapa!,” aniya.

Lumaban si Gazini sa Miss Universe 2019 kung saan umabot ito sa Top 20 at nag-uwi ng Best in National Costume award.

Magaganap naman bukas ang finale ng ika-71 na edisyon ng Miss Universe kung saan susubukang maiuwi ng pambato ng Pilipinas ang ika-5 korona para sa bansa.