Umalma ang komedyanteng si Gladys Guevarra matapos kumalat ang mga alegasyong siya ang babaeng kasa-kasama ng vlogger na si "Pambansang Kolokoy" o Joel Mondina sa tunay na buhay, at sinasabing "kabechina" nito o ang merlat na ipinalit sa estranged wife na si Marites Gondina.

Makikita sa TikTok account na "kainuschismis" ang ilang mga screenshots kay PK kasama ang kaniyang baby, at ang umano'y isang babaeng naka-shades at naka-face mask.

Bagama't hindi matukoy kung sino ang babaeng ito, diretsahang mababasa sa hashtag ng TikTok account ang pangalan ng komedyanteng si "Gladys Guevarra".

Sa kaniyang Facebook post, binanatan ni Gladys ang mga malisyosong tsismosa na nag-uugnay sa kaniya kay PK. Kalakip pa nito ang pagpapakita niya ng tiyan. Hindi umano siya nanganak!

Pambansang Kolokoy at bebot na hawig ni Gladys Guevarra, iniintriga ng netizens

"O shoutout sa mga nagpapaka-NBI hahaha? Kumusta? May nakuha ba kayong mga ebidensya? Para sa inyo 'to… Mukha ba akong nanganak? 😂🤣🤣 Yan tayo eh! Huwag padalos-dalos sa pagbintang mga kapitbahay. Tinawag mo na ko’ng kabit wala ka naman alam. Ano tawag pag wala alam? Di ba BOBO?" sey ni Chuchay.

"Relax lang muna, chill sabi nga. Pati kusina daw pareho. Hahaha Naku naku naku, wag sasanga-sanga. Ayan tayo eh!"

Pahabol pa niya, "Ayusin lang comment, kasi madali ako mag decide. Iba-block agad kita. Sayang naman, wala ka na

mababalitaan sa akin pag nagkataon. Tsismosa ka pa naman! Hehehe!"

"Sabi ko naman sa inyo, di ko kailangan ng followers kung bastos ka magsalita. Maraming makakapagpatunay niyan dito. Karamihan sa kanila mga nakilala ko na sa personal at naging mga kaibigan sa totoong buhay."

Wala naman nabanggit si Gladys kung may balak ba siyang gawing legal na hakbang para sa mga nagpapakalat ng tsismis tungkol sa kaniya.

Wala pa ring tugon, reaksiyon, o pahayag si PK tungkol dito.