Hindi pinalagpas ni Senador JV Ejercito ang isang basher na umokray sa kaniyang pagpasyal sa alagang asong si Nick.

Sa Facebook post niya nitong Biyernes, Enero 13, ibinahagi ng senador ang kaniyang morning walk kasama ang itim na pet dog na si Nick.

"Walked with Nick this morning."

"He is happiest whenever I take him for a stroll," aniya sa caption kalakip ang litrato nila ng alagang aso.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Marami naman ang nagbigay ng magagandang komento sa senador gayundin sa kaniyang pet dog na si Nick. Subalit isang netizen ang biglang sumingit at sinabing "nagpa-poops" lang siya ng aso sa kalsada.

"Pinatae mo lang sa kalsada eh," anang basher.

Sagot ng senador, "Ampalaya sighted. Wag negatron pre."

Screengrab mula sa FB ni Sen. JV Ejercito

Marami naman sa mga netizen ang nagtanggol sa senador at rumesbak para sa kaniya.

"Konting respeto bro senador 'yan kinakana mo. Buti sana kung balasubas na pulitiko 'yan hindi naman."

"Good morning Sen. JV! Nice stroll with your cute doggie Nick. Have a wonderful time! Don't mind the basher."

"Hala may papansin sa comment section."

Hindi na pinatulan pa ng senador ang naturang basher.