Nakumpiska ng mga operatiba ng Northern Police District (NPD)-District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang P544,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang lalaki sa Barangay 139, Caloocan City Biyernes ng madaling araw, Enero 13.

Sinabi ng DDEU na ang suspek na si Jeremy Laboza, 19, ng Balintawak, Quezon City, ay naaresto sa buy-bust operation bandang ala-1 ng madaling araw noong Biyernes sa G. De Jesus St. sa Brgy. 139, Caloocan City.

Nakuha sa suspek ang mahigit 80 gramo ng umano'y shabu na nagkakahalaga ng P544,000 at isang brown paper bag.

Kakasuhan si Laboza ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sabi ng pulisya.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Aaron Homer Dioquino