Walang nanalo ng jackpot para sa Ultra Lotto 6/58 at Mega Lotto 6/45 sa evening draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Biyernes, Enero 13.

Ang winning numbers para sa Ultra Lotto ay 12-17-02-50-24-44 para sa jackpot na nagkakahalaga ng P49,500,000.

Gayunpaman, 11 manlalaro ang nanalo ng second prize na nagkakahalaga ng P120,000 at 729 na taya ang nakakuha ng third prize na nagkakahalaga ng P2,000.

Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo ng ika-9 ng gabi.

National

Nasa 18M graduates ng high school noong 2024, hindi 'functional literate'

Inannsyo rin ng PCSO na ang lucky digits para sa Mega Lotto ay 09-18-33-39-35-14.

Umabot sa P22,853,784.80 ang jackpot prize sa nasabing draw.

Labintatlong manlalaro ang nakakuha ng second prize na nagkakahalaga ng P32,000 at 882 na taya ang nanalo ng ikatlong prize na nagkakahalaga ng P1,000.

Ang Mega Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 9 p.m.

Luisa Kabato