Nagbabala ang pamunuan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na posibleng magkaroon ng krisis sa kuryente sa loob ng pitong buwan ngayong taon.

Sa pahayag ni NGCP spokesperson Cynthia Alabanza, posibleng magkaroon ng pagnipis ng reserbang kuryente sa Mayo at  puwedeng magtuloy-tuloy ito kung magkaroon ng hindi inaasahang plant outages.

Aniya, may pagkakataong nawalan ng 4,000 megawatts (MW) ng power supply ang kanilang grid dulot na rin ng emergency shutdown.

Dahil dito, nanawagan ang NGCP at Department of Energy sa publiko na pagtipid sa pagkonsumo ng kuryente upang makatipid nito.

National

'Julian' malapit nang maging 'super typhoon'; Signal No. 4, itinaas sa 2 lugar sa Luzon