Natalisod at nadapa sa lupa ang Star for All Seasons na si Vilma Santos habang nagfi-film ng kaniyang vlog para sa pagdiriwang ng Bagong Taon, na mapapanood sa kaniyang sariling YouTube channel.

Habang nag-iintro si Ate Vi, hindi niya napansin ang nakaumbok na lupa sa kaniyang nilalakaran.

Mapalad namang hindi nagkasugat o nagka-sprain ang aktres-politiko. Sa katunayan, tila walang nangyari sa kaniya at nagtatatakbo't nagtatatalon pa.

Ang lokasyon ng vlog ay sa Funta Fuego sa Batangas kung saan ipinagdiwang nila ng mister na si Deputy House Speaker Ralph Recto at buong pamilya ang unang araw ng 2023.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Ipinakita sa kabuuan ng vlog ang masayang pagdiriwang ng kaniyang pamilya noong Bagong Taon.