Pinagtibay ng hukuman nitong Huwebes, Enero 12, ang kautusang pagpiyansahinang kontrobersyalna television host, comedian na si Ferdinand "Vhong" Navarro sa kinakaharap na kasong panggagahasa na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.

Sa ruling ni Taguig City Regional Trial Court Branch 69 Judge Loralie Cruz Datahan, ibinasura nito ang mosyon nidahil sa "kawalan ng merito."

Sa kanyang mosyon, hiniling ni Cornejo sa hukuman na bawiin ang kautusan nitong paglagakin ng piyansa si Navarro at ikulong muli ito.

Ibinasura rin ni Datahan ang mosyon ni Cornejo na mag-inhibit ito sa paghawak ng kaso.

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review

Matatandaang pinayagan ng korte na magpiyansa si Navarro nitong Disyembre 2022.

Nag-ugat ang kaso sa alegasyon ni Cornejo na ginahasa umano siya ni Navarro sa condominium unit nito sa Bonifacio Global City noong Enero 17, 2014.