Usap-usapan sa social media naging performance ni Anji Salvacion sa “It’s Showtime” nitong Miyerkules, Enero 11.

Binigyan ng sariling bersiyon ni Anji ang awiting “Happier” ni Olivia Rodrigo at tila marami ang napataas ang kilay dahil pilit umanong pinapasikat ang 20-year-old na singer ng ABS-CBN kahit hindi naman umano kagalingan.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

https://twitter.com/dyeseblythe/status/1613040353279610881?s=46&t=wVvStjGNriMcX2X_DM1Oiw

Bagama’t kaliwa’t-kanan ang bashing na natanggap ng young star, may ilan din namang pumuri at pinagtanggol ang performance nito.

Sa huling Instagram story naman ni Anji, tila hindi naman apektado ang young singer-actress na siyang nagpasalamat sa mga natatanggap niyang blessings.

“Thank you for everything dear God. The year just started, yet you're pouring your loving grace upon me and my family,” lahad niya.

Naunang nakilala si Anji sa pagsali nito sa unang season ng “Idol Philippines” at nang tanghalin itong big winner sa “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10” noong Mayo 2022.