Hindi pinalampas ng Kapamilya TV host-actor na si Luis Manzano ang panlalait ng isang basher sa kanilang bagong silang na sanggol ng misis na si Jessy Mendiola.

Ibinahagi kasi ni Luis ang litrato ng kanilang anak sa socmed, at kinukuwestyon ng naturang basher kung bakit mega-takip ang bagong daddy sa mukha ng kanilang junakis.

Hindi pa yata komportable ang mag-asawa na ipakita sa publiko ang kabuuan ng mukha ni Isabelle Rose, na nauunawaan naman ng mga tagahanga at tagasuporta nila dahil karapatan anila iyon bilang mga magulang.

"Daddy duties with Peanut," caption ni Luis sa kaniyang Facebook post. Mapapansing may takip ng "rose emoji" ang mukha ni "Peanut".

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Ang siste, biglang nagkomento ang isang basher na ang arte-arte raw nila. Tinawag pa niyang "pisot" ang mukha ng walang kamuwang-muwang na sanggol.

“Bakit di mo pinakikita mukha ng anak mo pisot ba 'yan? Dami nyo arte [laughing emojis] by the way congrats na lang sa inyo Lucky Manzano," anang basher.

Ang "pisot" ay may kahulugan ding "pangit" o "piping mukha" batay sa balbal na pagkakagamit nito.

Hindi naman ito pinalagpas ni Luis at gumanti sa basher.

“Kayo nga po pinagisa n'yo pisngi, leeg, at baba n'yo di namin po kayo pinapakialaman," buwelta ni Luis.

Screengrab mula sa FB ni Luis Manzano via PEP

Sa ngayon ay hindi na makita sa comment section ang komento ng basher matapos itong kuyugin at resbakan ng fans ng mag-asawa.