Mahigit 100 na lamang sa 954 high-ranking officials ng Philippine National Police (PNP) ang hindi pa naghahain ng courtesy resignation.

Sa pahayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, Jr. nitong Huwebes, nasa 113 na lang ang hinihintay nilang mag-file ng resignation bilang tugon sa panawagan nitong matanggal sa hanay ng pulisya ang mga opisyal na sangkot sa illegal drugs.

Kabilang aniya sa mga nagbitiw ang 714 na koronel at 126 na heneral.

Kasama rin aniya sa nagsumite ng courtesy resignation ang isang Inspector General ng Internal Affairs Service (IAS). 

National

'Julian' malapit nang maging 'super typhoon'; Signal No. 4, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

“Tunay ngang ito ay maituturing na ‘act of honor.'Pinasasalamatan natin ang lahat na agad na rumesponde sa ating apila at sa pagtitiwala sa radikal na hakbang na ito. Dahil dito ay magkakaroon tayo ng pagkakataon na tanggalin ang mga ninja cops sa PNP," banggit nito.

Ang iniharap na courtesy resignation ng mga ito ay sasalain ng 5-man committee na magsusumite naman ng rekomendasyon kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.. na magdedesisyonkung tuluyan nang sibakin sa serbisyo ang napatunayang sangkot sa illegal droga.

Matatandaang isinagawa ni Abalos ang panawagan kamakailan matapos matuklasang ilang matataas na opisyal ng pulisya ang dawit sa iligalna droga sa bansa.