Hindi rin nagpakabog ang online personality na si Senyora dahil tila tinapatan niya ang mga naging outfit ni Celeste Cortesi sa Miss Universe Preliminary Competition.

Naganap ngayong Huwebes, Enero 12, ang naturang preliminaries kung saan nagpatalbugan ang mga kandidata ng Miss Universe sa kanilang swimsuit, evening gown, at national costume.

"Thank you sa support n’yong lahat! Gagalingan ko pa lalo sa finals para sa inyo! #MissUniverse," saad ni Senyora sa kaniyang Facebook post.

Kalakip ng naturang post ang edited na larawan ng online personality na suot ang mga outfit ni Celeste sa preliminaries.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Umani naman ito ng reaksyon sa mga netizens, anila:

"It's the PUSOD for me. The design is very CHAMPION!"

"Ayy iba din yung pang darna ha"

"good luck Sayo,,sana maiuwi mo ang koronang tinik haha"

"good luck Ms. dolomite beacccchhh!"

"naduling aq.. kala q Ms. Termites"

"Mukha kaung laging lugi Senyora"

"Basta dito lang kami,ikaw na bahala,lutuin mo nalang ang laban"

"Nyora yung pusod mo ang pampaswerte"

Sa darating na Enero 14 gaganapin ang coronation finals ng ika-71 edisyon ng Miss Universe sa New Orleans, Louisiana.

Kung papalarin, si Celeste na ang magiging ikalimang Pinay Miss Universe.