Sa katatapos lang na National Costume Competition show nitong Huwebes, Enero 12, para sa ika-71 edisyon ng Miss Universe, sinuot ng pambato ng Pilipinas na si Celeste Cortesi ang costume ng iconic Pinay superhero na si "Darna".

Mula sa orihinal na likha ni Mars Ravelo, ang karakter ni Darna ay sumisimbolo sa katapangan at husay ng isang Pilipina, na siya ring nabanggit sa nasabing parte ng kompetisyon.

Agad namang naglabas ng opisyal na pahayag ang JRB Creative Production na siyang kasalukuyang may hawak sa produksiyon ng teleseryeng “Darna: The TV Series.”

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Dagdag pa rito, napag-alaman ng Balita Online na bago pa man mag-ala Darna si Celeste sa Miss Universe stage, ipinaalam muna ng pamunuan ng Miss Universe Philippines Organization sa pamilya Ravelo ang mga detalye sa national costume ng kandidata.

Agad namang nag-trending sa social media ang “Darna” at “Celeste" matapos ang National Costume Competition.

Screengrab mula sa Twitter

Magaganap ang finale ng Miss Universe alas-nuwebe ng umaga sa Linggo, Enero 15 (oras sa Maynila) na siyang ihahatid ng ABS-CBN.