Kuwelang inanunsyo ng online sensation at “Ultimate Multidogshow Superstar” na si AC Soriano ang kaniyang nalalapit na virtual concert na “I Am… Otin,” na siyang parody ng anniversary concert ni Toni Gonzaga.

Sa isang tweet, inilabas ni AC ang “ticket pricing” ng kaniyang virtual concert na magaganap sa Enero 20, na siya ring araw ng concert ni Toni.

Kinaaliwan naman ng netizens ang paandar ni AC na siya ring nagpasikat ng “Your Daughter Is Sleeping With My Husband” remix, Abril noong nakaraang taon na mula naman sa hit teleseryeng “The Broken Marriage Vow” na pinagbidahan ng isa sa kanyang ini-impersonate na si Jodi Sta. Maria.

National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025

https://twitter.com/itsacslife/status/1612843893351157761?s=46&t=YqyMopxWsfvgyQ0kuWpskQ

Matatandang nag-viral si AC sa kaniyang mga parody skits na ginagaya ang pananalita, pag-arte, pagkanta, at pananamit ng Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga.

Ngayong araw, Enero 12 inaasahang ilalabas ni AC ang official poster ng kaniyang virtual concert na siyang mapapanood sa kaniyang TikTok account.