Usap-usapan ngayon ang pag-flex ni Ava Mendez sa kaniyang karelasyong si singer-rapper Skusta Clee o Daryl Ruiz, sa kaniyang Instagram post kahapon ng Miyerkules, Enero 10.

Makikita ang litrato nila ni Skusta Clee kung saan nakapangunyapit dito ang aktres.

"Endlessly in love with you," saad sa caption ng Instagram post.

Mababasa namang tila kinilig si Skusta Clee matapos itong magkomento.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"Eeeeehhhh," komento ng singer-rapper.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. May humamon pa nga kay Ava na kung talagang "endlessly in love" siya kay Skusta Clee ay ipa-tattoo rin niya ang pangalan nito, kagaya ng ginawa ni Aira Mae Lipata.

"Hindi na 'ko magtataka kung idi-delete mo rin to soon."

"Talaga? Pa-tattoo mo nga."

"Tawag dito katangahan… nasa huli na pagsisisi mo girl… char."

"I’m a solid fan of Skusta and I think Skusta deserves this happiness I’m rooting for the both of you!! be happy wag n'yong pakealaman mga sinasabi ng iba you both deserve each other stay strong!!! hoping to see you both on a vlog someday hihintayin naming solid supporters n'yo yon!!! Love you both!!"

"Naks naman. You and me against the world ang pautot. Ang ending kaw din mauumay sa drama at ka-toxic’an niyan. Ate, sa bad-boy looking ka lang sana, wag sa literal bad boy."