Game na sinagot ni Miss Universe 2012 Olivia Frances Culpo ang isang basher na nagsabing kailangan niyang magkaroon ng mataas na enerhiya sa nakatakdang hosting stint sa Miss Universe 2022 Coronation Night na mapapanood sa Pilipinas sa darating na Linggo, Enero 15, 9:00 ng umaga.

Matatandaang na-bash nang bonggang-bongga si Culpo dahil sa kaniyang tila mababang enerhiya sa pagho-host, lalo na sa pagtawag ng mga kandidatang pasok sa top, noong Miss Universe 2021.

Sa kaniyang TikTok, handa na raw si Culpo na uminom ng isang uri ng energy drink para sa nalalapit na hosting ng Miss Universe 2022 kasama si Jeannie Mai Jenkins.

"On my way to get Red Bull (isang uri ng energy drink) before hosting Miss Universe because user26263747482 said I need more energy this year," caption ni Culpo sa kaniyang TikTok entry. Makikita sa video na tila nakasakay siya sa isang bangka sa saliw ng "My Heart Will Go On" ni Celine Dion, na theme song ng pelikulang "Titanic".

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Si Miss Universe 2018 Catriona Gray naman ang magiging backstage commentator kasama si "American Ninja Warrior" co-host Zuri Hall.

Sa comment section, isang netizen ang "nagparatang" na ang tinutukoy na user ni Culpo ay si Miss Universe-Philippines 2014 Mare Jean 'MJ" Lastimosa, bagama't wala pang kumpirmasyon o tugon si MJ tungkol dito.

Samantala, narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Take it as positive feedback! You did good but we definitely need a little more energy!"

"Don't forget to bring COBRA and ENERVON madam."

"Milo rin madam hahaha."

"OMG MARE GALINGAN MO NA THIS YEAR KALOKA KA!!"

"Mag-recharge ka na Olivia dahil dami na nakaabang sa'yo hahaha."