Nagdiriwang ngayong araw ang panganay na anak ni dating Vice President Leni Robredo na si Aika.

Ito ang mababasa sa magkasabay na Facebook at Instagram post ng ina na nagpaskil ng maikling mensahe para sa anak.

View this post on Instagram

A post shared by Leni Gerona Robredo (@lenirobredo)

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Happy Birthday to my first-born, Aika. Caring and responsible daughter, role model to her sisters, exemplary human being. What a great blessing to be her mother,” mababasa sa naturang post kalakip ang dalawang larawan ni Aika.

Inulan naman agad ng pagbati mula sa followers ng dating VP ang birthday celebrant.

"Happy Birthday, @aikarobredo!!!" pagbati ng aktres na si Agot Isidro.

"Happy birthday Idol @aikarobredo ☘️ God bless you more!" ani Senador Joel Villanueva.

"Happy birthday @aikarobredo!!!🥰🥰🥰" pagbati rin ni Saab Magalona.

Ngayong araw, ipinagdiriwang ni Aika ang kaniyang ika-35 kaarawan.

Happy birthday, Aika!