'We’re usually too preoccupied with our own “flaws” to notice them in others'

Nahihiya ka ba at insecure dahil may stretch marks at iba pang sa tingin mo ay "hindi kaaya-aya" sa iyong katawan? Basahin ang mensahe ng influencer at voice-over actress na Inka Magnaye hinggil sa ganitong uri ng isyu.

Isang nakakaantig na conversation ang ibinahagi ni Inka sa kaniyang social media accounts hinggil sa mga insecure dahil sa tingin ng iba na "body flaws" tulad ng stretch marks.

Aniya, inaya niya ang isang babae na tumalon at mag-enjoy sa dagat ngunit sumagot ito na nahihiya siya dahil sa stretch marks nito sa katawan.

Trending

Netizens naka-relate, napahugot sa 'Hindi na marami ang tubig ng instant noodles'

“So do I,” ani Inka, kasabay ng pagpapakita ng parte ng hita na may stretch marks.

“Go jump in, have fun. I promise no one will notice," paghihikayat ni Inka.

Aniya, "That’s the exchange that always comes to mind when someone compliments my “flawlessness.”

"Dark knees and elbows, dry skin, lines on my underarms, patchy pigmentation, stretch marks, and all these things that prevent us from doing things we want to do. Someone left a comment on one of my videos saying she wished she could wear skirts but couldn’t because of her dark knees."

"If you’ve seen me in shorts out in public, I promise you I have them all. You just don’t notice because we’re usually too preoccupied with our own “flaws” to notice them in others," mensahe ni Inka.

Dahil dito, tagumpay niyang nahikayat ang babae na magtatatalon at mag-enjoy sa dagat.