Inamin ng aktres at tinaguriang "patron saint of dating apps" ng mga netizen na si Michelle Madrigal na naging "unfaithful" na siya sa mga nagdaang karelasyon, na isinagawa niya sa kaniyang vlog kasama ang kapatid na aktres din na si Ehra Madrigal.

Sa kaniyang vlog noong Disyembre 30, 2022 vlog, naglaro sila ni Ehra ng “Never Have I Ever” game.

Isa sa mga natanong sa kaniya ay “Never have I ever been unfaithful.”

Isang mariin at malakas na "I have! I have!" ang sinagot ni Michelle.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Gumanti lamang daw siya kaya niya nagawa 'yon, upang ipakita sa naturang ex-partner na kaya niya ring makipagsabayan dito.

Ilang beses umano siyang niloko ng kaniyang ex-jowa subalit hindi naman niya pinangalanan ito.

Sa kasalukuyan ay may bago nang special someone na afam si Michelle na nakilala niya sa dating app, matapos ang hiwalayan nila ng mister na si Troy Woolfolk.

&t=154s