Good vibes ang hatid ng ngayo’y viral post sa isang pageant group kung saan tila peg pala ng manok ng Pilipinas sa Miss Universe na si Celeste Cortesi, ang nag-iisang si Miss Everything!

Sa nagpapatuloy na Miss Universe competition, hindi maiiwasang mag-initan lalo na ang masugid na Pinoy pageant fans pagdating sa ilang aspeto.

Kung bardagulan lang online, isa ang Pilipinas sa may mahabang kasaysayan ng semifinals cut sa prestihiyusong pageant brand. Ngayong taon, inaabangan na ng marami ang pasabog na anang fans ay nirereserbang preparasyon ni Celeste para sa preliminary at finale.

Samantala, kasabay ng seryosong pagtutok ng lahat sa paghahanda ni Celeste, kaliwa’t kanang memes din naman ang resulta ng Miss Universe fever online.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Isa na nga rito ang nakakatawang pagkumpara sa online personality na si Miss Everything sa isa sa mga naging every day glam look ni Celeste. Ito ang viral na hirit ng isang pageant fan kamakailan sa Facebook group na “Bekis of Pageantry 2.0” na agad na good vibes ang hatid sa marami.

“Celeste is chosen for car sponser photoshoot today,” pakulo ng isang member ng grupo kalakip ang larawan ng dalawa sa naturang post.

Lalo pang laugh trip nang ibahagi ito mismo ng online star sa kaniyang Facebook page nitong Martes, Enero 10.

“Will Miss Celeste I’m so proudable of you You have the brand new carfull 🥰🚗now bringhome the crowd👑👸,” ang halos ‘di maintindihang caption ni Miss Everything na kilala sa naturang online antic.

Viral na katatawan ang dulot ng post sa marami na ginatungan pa ng netizens.

“I hopefully that the crowdness will fit in your housevility,” anang isang follower.

“So proudable of you Celeste Courtesy, you are so pinklawan. Your outfit is mesmerizing and very pinkishing. I'm hoping that you're not only bring home the crowd but also bring home the crow,” segunda ng isa pa.

“The modelling of owner-type jeepney on the road is getting rocky!” sey ng isa pang pageant fan.

“When Celeste meets Peneste! Lab you Ms. Everything,😂” laugh trip na saad ng isa pang netizen.

Tila naging epektibong patalastas naman ito sa umiinit nang laban sa ika-71 edisyon ng Miss Universe sa New Orleans.

Basahin: Shamcey Supsup, aprub ang pre-pageant pasabog ni Celeste Cortesi: ‘Our next Miss Universe!’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, nauna nang nagpahayag ng kanyang kumpiyansa kay Celeste si Miss Universe Philippines National Director Shamcey Supsup.

Bukas, Huwebes sa Pilipinas, magsisimula na ang aktuwal pasabog ng mga kandidata sa pagbubukas ng prelims.

Maiuuwi kaya ni Celeste ang ikalimang Miss Universe crown para sa Pilipinas? ‘Yan ang inaabangan ngayon ng lahat.