Kontrobersyal ngayon ang video na inupload ni Marcel Messall o mas kilala bilang “Mr. Pogi German” matapos niyang ibahagi sa kaniyang Facebook page ang vlog kung saan tinulungan niya ang isa umanong Pinay “Pick-up Girl” sa Muntinlupa.

Mababasa sa kaniyang Facebook page ang caption at paliwanag tungkol sa kaniyang vlog: “I've Met a 18 years old Filipina Pick Up Girl from Alabang, Muntinlupa. The intention of this vlog is to help Filipina girls like her who can't afford daily essentials like food or gatas for her baby. I want to use this platform to share her story. I'm sure many girls are in the same situation like her, not enough money for food, gatas, diaper etc. I hope she will use the 10,000 pesos wisely.”

Makikita sa vlog na kinausap niya itong 18 years old na babae at tinanong niya kung magkano ang “service” nito, agad namang sagot ng babae na “all-in, 1,000 pesos sa loob ng tatlong oras.”

Nilibre ng pagkain ng vlogger ang babae bago sila nag-check-in. Habang naghihintay sila ng kanilang order, tinanong ng vlogger kung ano ang pinagdaanan ng babae at kung bakit ito nasa daan kahit maghahating gabi na. Dito na ikinuwento ng babae na siya si “Abby,” isang single mom, at sinasaktan daw umano siya ng kaniyang dating kinakasama. Hindi rin umano ito nagbibigay ng sustento sa kanilang anak, kaya siya “nagbebenta ng laman.”

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Aniya, ”My ex is so very shit, kasi nanakit siya sa akin kahit buntis ako at lagi kaming nag-aaway.”

Kung papanoorin ang vlog, maayos naman ang naging takbo sa kalahati ng video, ngunit sa bandang dulo na nito ay hindi na nagustuhan ng netizens. Matapos kasi magkuwentuhan ng dalawa, pinagbihis ng vlogger ang babae ng “revealing na damit.” Pagkatapos, humiga sila sa kama, at habang dahan-dahan na ibinaba ng babae ang short ng vlogger, agad naman sumigaw ang vlogger na “It’s a Prank.”

Ang mga sumunod na eksena sa vlog ang lalong nagpainit pa ng ulo ng mga netizens, dahil bukod sa mukhang scripted raw, nakipaglaplapan pa ang vlogger sa babae habang nakatalukbong sila ng kumot.

Narito ang reaksiyon ng netizens:

“Ang toxic mo!”

“Hoy wala kang pinagkaiba sa poverty pórn nyeta kang dayuhan ka tigilan mo ganitong content.”

“Not good content also isn't a good image for all Filipinos.”

“Dapat doon siya mag hasik sa bansa niya Ng GANYAN content minamaliit niya Yung mga kapwa Pilipino.”

“You did not help them u just expose the young girls at the same time u use them in your vlog . You are really use to meet pick up girls, maybe not only here in the Philippines. Be aware Aids is everywhere. I hope Senador Raffy Tulfo will take action, sorry but your content is not good.”

“I don't believe there's no sex happened. If your intention is to help do it outside hotel.”

“I don't like this..if u really want to help u can do it in a nice way not like this.”

“Sorry but this is the worst video ever. Yes you have blurred her face but if you are going to help someone like her you do NOT have to put her through all of that just so you can get some content. This actually makes me feel sick. You could have filmed up to the food part after eating with her but to make her go through all of that to say “it’s a prank” is just vile to me. I don’t know why people are commenting as if you have done a good deed by putting this poor girl through all of it?”

Agad na nag-viral ang video clip nito at umabot na sa kapulisan ng Muntinlupa. Sa ngayon nasa presinto na ng Muntinlupa ang nasabing vlogger at may violation ito ng Republic Act 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009) at Republic Act 8353 (Rape) relation to Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act).